TALAMBUHAY NI FIONA MOJICA
'MIKROPONO'
Siya si Fiona Mojica. Labing tatlong taong gulang. Siya ay nakatira sa 156 D. Aquino st. 2nd Avenue Caloocan City.Si Ang kanyang mga magulang ay sina Alvin R. Mojica at Ellaine C. Mojica. Call Center Agent ang trabaho ng kanyang ama, at OFW naman ang kanyang ina. Si Fiona ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Quincy, Kyle, at Julian.
Noong si Fiona ay bata pa lamang, nakitaan na siya ng kanyang mga magulang ng kahusayan sa pag-awit. Mas nagpatuloy pa ito nang siya ay tumungtong sa elementarya. Siya ang pinipili ng kanyang mga guro na umawit tuwing may mga programa sa kanilang paaralan. Tulad na lamang ng Teacher's Day, Buwan ng Wika at iba pa. Siya rin ang ipinanlalaban ng kanilang paaralan sa larangan ng pag-awit, pagtula, pagbabalagtas,at pagke-kwento. Marami na rin paligsahang sinalihan si Fiona. Ngunit hindi naman siya nabibigo dahil siya ay madalas na nananalo. Nang si Fiona ay tumungtong sa ikaanim na baitang, siya ang pinili ng mga guro na maging isang 'emcee' sa isang mahalang programa. Labis na natutuwa ang kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang mga guro sa ipinapakita niyang talento sa mga ganoong bagay.
Maraming magagandang karanasan si Fiona noong siya ay nasa elementarya. at ngayong siya ay tumungtong na sa sekondarya, mas patuloy na ginagaamit niya ang kanyang talento.Si Fiona ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa F.G Calderon Integrated High School. Na nasa ikapitong baitang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento