ALAMAT NG TIGYAWAT NI MARICEL DAYAG
Noong unang panahon, lahat ng tao na nilikha ng Diyos ay biniyayaan ng makinis na mukha. Dahil ang tao ang pinaka-minamahal na nilikha ng Diyos, ang tao ay nilikha kawangis Niya, kaya naman lahat sila ay nilikha na may angking ganda. Walang tao na makikitaan ng kahit isang dumi sa mukha.
Dati, mapag-kumbaba ang lahat ng mga tao, kahit ilang beses pa silang puriin ng ibang mga nilalang. Ang mga hayop, mga puna at mga halaman, kahit ang langit at ang dagat, pinup Uri ang kagandahan ng mga tao.
Subalit, sa paglipas ng panahon, ang tao ay naging masama bunga ng kagandahan.
Naging mapang-mataas ang mga tao, dahil alam nila na nilikha sila ng Diyos na natatangi sa lahat. Sila ay naging mapag-malaki, at hinamak ang ibang mga nilalang---ang mga hayop, ang mga puno at halaman, maging ang langit at dagat.
"Kami ay nilikha kawangis Niya," wika nila. "Ang aming mukha ay makinis, at aming kutis ay sadyang napaka-ganda."
Isang baboy ang umapela, si Tigaw-at.
"Ang kagandahan niyo ay hanggang sa panlabas lamang." Aniya Tigaw-at.
"Aanhin ang napakakinis na balat---kung ang inyong mga ugali ay ubod ng gaspang?"
Ngunit pinag-tawanan lamang siya ng mga tao.
"Naiingit ka lamang, Tigaw-at." ang sabi nila.
"Ang iyong mukha ay laging sumusubsob sa dumi at putik, pero kami, ni walang bahid ang aming mga mukha."
"Anong uri ba kayong mga nilalang, at napaka lakas ng mga loob ninyo upang hamakin ang ibang mga nilikha!" galit na sumigaw si Tigaw-at.
"Nawa'y ang inyong kasamaan ay Makita sa inyong mga mukha!"Ang pag-aaway ng mga tao at ni Tigaw-at ay nakita ng Panginoon na lumikha sa lahat. Nakita niya ang kayabangan at panhahamak ng mga tao.
"Kailangan na nilang maturuan ng leksyon." wika ng Lumikha.Lumipas ang mga araw, nagkaroon ng malawakang pagkalat ng sakit sa balat sa mga tao. May mga tumubo na mga mapupulang butlig sa kanilang mga balat, lalo na sa kanilang mga mukha.
"Ang ating mga mukha!" sigaw nila. "Hindi na makinis!"
"Ito ay sumpa ng Diyos!"
"Ito ay sumpa ni Tigaw-at!"Ang mga butlig sa kanilang mga mukha ay sinasabing sumpa ni Tigaw-at. Lumipas ang panahon at tinawag itong Tigyawat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento