Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

ALAMAT NG PAKWAN NI FIONA MOJICA

Isang araw sa isang baryo ay mayroong isang taong nangangalang Saul. Pinapatay niya ang lahat ng taong naniniwala sa Diyos. Kahit mga kamag-anak niya na naniniwala sa Diyos ay pinapatay niya, Malaki ang galit ni Saul sa Diyos at hindi siya naniniwala dito. Isang malamig na gabi, habang natutulog si Saul ay may nagpakita sa kanya sa panaginip. Hindi niya maintindihan ito kaya hindi niya na lang pinansin pagkagising niya kahit naaalala niya ito. Habang si Saul ay naglalakbay, may humarang sa kanyang isang malaking taong nakasakay sa kabayo at halos di na niya ito makita dahil sa sobrang liwanag nito. 'Saul, Saul bakit mo ako inuusig?' tanong nito. Sobrang natakot si Saul kaya't siya'y sumagot. 'Sino po kayo Panginoon?' tugon ni Saul. 'Ako si Hesus, ang iyong inuusig.' Pagkatapos niyang makipagusap sa diyos ay nabulag siya. Isang araw ay may nagpunta sa kanya. Isang babaeng nangangalang Neftali. "Saul ako si Neftali, isinugo ako ng Diyos para ika'y pagalingin.' hinawakan ni Neftali ang mata ni Saul at siya ay nakakakita.'Ipahayag mo ang salita ng Diyos sa sanlibutan.' At pagkalipas ng araw, Si Saul ay naghayag ng salita ng Diyos. Laking pagtataka ng mga tao kay Saul sapagkat dati pinapatay niya ang lahat ng kumikilala sa diyos, at ngayon siya naman ay naghahayag ng salita ng diyos.Isang araw, habang natutulog si Saul ay ipinadukot siya ng mga tao upang siya'y patayin.'Bilang ganti sa mga pinatay mong kristiyano, ito ang dadanasin mo!' sabi ng isa sa mga tao. Kasabay noon ang pagpugot sa ulo ni Saul at talsikan ng mga dugo. Inilagay ang ulo ni Saul sa damuhan. At pagkalipas ng mga panahon, may nakita ang mga tao na tumutubong halaman na di alam kung ano iyon. hiniwa ng mga tao ang bungang iyon na bilog at pagkakita nila ay kulay pula ang loob nito. Naalala nila si Saul ang kristiyanong umuusig ng tao na naghayag ng salita ng Diyos na pinugutan ng ulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento