Miyerkules, Nobyembre 25, 2015

ALAMAT

                         
                            ALAMAT NG IBONG MAYA



                       Si Rita ay batang lubhang malikot.  Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.
                             Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.  Si Rita ay nanood sa kanyang ina.  Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan.  Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.  Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao.  Ngayon natakpan siya ng bilao.  Hindi nahalata ng ina.  Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo.  Hindi sumagot si Rita.  Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.                              Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.  Kumakain ng bigas ang ibong iyon.  Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

KOMIKS

                                      BIKTIMA NI EMMANUEL MOLINA

TALAMBUHAY NI EMMANUEL MOLINA

                                                                          MEDALYA



                                   MAY ISANG BATANG MASIPAG,MATULUNGIN AT MABAIT SIYA AY NAGNGANGALANG EMMANUEL.
                                    SI EMMANUEL AY ISINILANG NG MALUSOG NI GENELYN NA KABIYAK NI VICTOR SI VICTOR AY ISANG TRICYCLE DRIVER AT SI GENELYN NAMAN AY ISANG "HOUSEWIFE" SI EMMANUEL AY PINALAKI NG MAG-ASAWA SA LUNGSOD NG CALOOCAN NAGING MASAYA ANG BATA HABANG INAALIW SIYA NG BAGONG NATUKLASAN SA MUNDONG IBABAW.ANG BATA AY PINAG-ARAL SA MABABANG PAARALAN NG BO. OBRERO NAGING MATAGUMPAY NAMAN ANG UNANG TAON NI EMMANUEL SA NASABING PAARALAN DAHIL SIYA AY NAGKAMIT NG UNANG KARANGALAN AT NAGTULOY-TULOY NAMAN ITO HANGGANG SA MAGTAPOS ANG BATA SA IKATLONG KARANGALANG BANGGIT NGAYONG TAONG KASALUKUYANG NAG-AARAL SI EMMANUEL SA MATAAS NA PAARALAN NG F.G CALDERON KUNG SAAN NAGING MASAYA SI EMMANUEL SA MGA BAGONG KAIBIGAN AT PATULOY NA PINAGSUSUMIKAPAN NG BATA ANG KANYANG PAG-AARAL.
                                    ANG MEDALYA ANG NAGING INSPIRASYON NIYA SA PAYAK NA PAMUMUHAY.

Martes, Nobyembre 24, 2015

KOMIKS

                                          GAME CONTROLLER NI MARICEL DAYAG

KOMIKS

                                                             VIDEO GAME NI FIONA MOJICA

Sabado, Nobyembre 21, 2015

1ST GRADING LECTURE

                                      'TAYUTAY'

-MALAKI ANG NAITUTULONG NG PAGGAMIT NG MALIKHAING GUNI-GUNI ANG ISANG PAYAK NA NAGLALARAWAN SA MGA SAKNONG NG TULA MABIGYANG BUHAY AT KULAY. ANG MGA TAYUTAY ANG TINATAWAG NA TALINHAGA NG PANULAAN NA SIYANG KASANGKAPAN UPANG MAISAKATUPARAN ITO.
BIGYANG PANSIN ANG MGA SUMUSUNOD:


1.SIMILI O PAGTUTULAD- ITO AY PAGHAHAMIBING NG DALWANG MAGKAIBA O DI MAGKAURING BAGAY, TAO, KAISIPAN O PANGYAYARI.


2. PAGWAWANGIS O METAPORA- NAGHAHAMBING DIN ITO NG PAGTUTULAD NGUNIT DI GUMAGAMIT NG MGA SALITANG PANTULA.


3. PERSONIPIKASYON- GINAGAMIT ITO UPANG BIGYANG BUHAY, PAGTAGLAYIN NG KATANGIANG PANTAO. TALINO, KILOS ANG MGA BAGAY NA LIKAS NA WALANG BUHAY.


4. PAGTAWAG O APOSTROPE- PAGKAUSAP SA ISANG TAO O INAARING TAO.


5.PAGPAPALIT - TAWAG O METONIMYA- PINAGPAPALIT NITO ANG DALWANG BAGAY O KAISIPAN.


6. PAGPAPALIT-SAKLAW O SINEKDOKE-PINAGPAPALIT NITO ANG DALAWANG BAGAY SAPAGKAT MAYROOON SILANG PAGKAKAUGNAYAN GAYA NG BAHAGI AT KABUUAN.

1ST GRADING LECTURE


                                     'ANG PAGBIGKAS NG TULA'


-ISANG SINING ANG PAGBIGKAS NG TULA SA PAMAMAGITAN NG PAGBIBIGAY NG INTERPRENTASYON NG BUMIGKAS NA IPAHAHATID NG KAGANDAHAN NG ISANG AKDANG PAMPANITIKAN.


-NAKATALA SA IBABA ANG MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGBIGKAS NG TULA. ITO AY AYON KAY JOSEFINA V. CRUZ. DATING PROPESOR SA FILIPINO.


1. LAYUNIN- MAHALANG MALAMAN NG BIBIGKAS ANG LAYUNIN NG TULA.


2. KAUGNAYAN NG MAMBIBIGKAS SA MADLA- KAILANGANG MAHIKAYAT NG MADLA SA KANYANG GAGAWING PAGBIGKAS.


3.TINDIG-ANG MAMBIBIGKAS AY DAPAT NA MAGTAGLAY NG MAGANDANG TINDIG O MAY TIKAS NA PAGTAYO.


4.PANUUNAN NG PANINGIN-KARANIWANG ANG PANUUNAN NG PANINGIN AY NAGSISIMULA SA GITNA SA GAWING LIKURAN.


5.TINDIG AT HIMIG- ANG PINAKAMAHALANG PUHUNAN SA PAGBIGKAS AY TINIG.


6.PAGBIGKAS- DAPAT NA MAGING MALINAW ANG PAGBIGKAS NG TUMUTULA NA DAPAT UMAAYON SA WASTONG PAGPAPANTIG-PANTIG.


7. PAGKUMPAS-DAPAT NA PAGKUMPAS NG MGA KAMAY AY DAPAT NA NATURAL AT NABABATAY SA KAISIPANG NAIS BIGYANG DIIN.
MGA URI NG PAGKUMPAS
1.KUMPAS NA PATURO
2.KUMPAS NA PASUBAYBAY
3.KUMPAS NA GINAGAMITAN NG DALAWANG KAMAY. 


1ST GRADING LECTURE

                                            'ANG KWENTONG BAYAN' 

ITO AY KWENTONG NAGPASALIN-SALIN SA BIBIG NG ATING MGA NINUNO. SA MGA BULWAGAN AT MGA LAKAN AT DATU. NOON ITO AY KINAGIGILIWANG ISIN ALAYSAY PALIBHASA'Y WALA SILANG PINAGLILIBANGAN.

ANG MGA PAKSA NG MGA KWENTONG-BAYAN AY MAARING MAKATINDIG BALAHIBONG SALAYSAY TUNGKOL SA MG KAPRE, TIYANAK, DWENDE, SIRENA O TUNGKOL SA KARANASANG GINAGAMPANAN NG MGA HARI AT REYNA. ANG MGA KWENTONG BAYAN AY LIKHA LAMANG NG MGA GUNI-GUNI AT WALANG KATOTOHANAN.



WALANG PANGALAN ANG KUMATHA NG MGA KWENTONG-BAYAN DAHIL ITO'Y NAGPASALIN-SALIN LAMANG SA BIBIG NG ATING MGA NINUNO.

2ND GRADING LECTURES

                                    'ANGGULO NG PAGSASALAYSAY'


PANANAW O PANINGIN (POINT OF VIEW)


- ITO'Y TUMUTUKOY SA ANGGULO NG PAGSASALAYSAY. TUMUTUKOY RIN ITO SA PANANAW NA PINAGDARAANAN NG MGA PANGYAYARI SA ISANG KATHA.



PANANAW SA IKATLONG PANAUHAN (THIRD PERSON VIEW POINT)
- SA PANANAW NA ITO TILA ANG MAY-AKDA ANG NAGKWE-KWENTO; GUMAGAMIT LAMANG SIYA NG PANGHALIP NA ''SIYA'' NA SIYANG MALAYANG NAGLALAHAD NG NAISIN NIYA TUNGKOL SA MGA PANGYAYARI AT TAUHAN SA KWENTO.



PANANAW SA UANG PANAUHAN (FIRST PERSON VIEW POINT(
- DITO ANG PANGUNAHING TAUHAN ANG NAGSASALAYSAY NA DI DAPAT IPAGKAMALI SA MAY-AKDA.


2ND GRADING LECTURES


                                                 'ANG SANAYSAY'


-ITO AY ISANG URI NG PANITIKAN, PAGPAPAHAYAG O PAGLALAHAD NG SARILING PALAGAY, PANANAW O KURO-KURO NG MANUNULAT. ANG MGA PANANAW NA ITO AY MAAARING BATAY SA SARILING KARANASAN PAGMAMASAID O REAKSYON SA BAWAT ASPETO NG BUHAY.


-MGA KATANGIAN NG SANAYSAY
ANG ISANG MASINING AT MAAGHAM NA SANAYSAY AY KAKIKITAAN NG SUMUSUNOD NA MGA KATANGIAN:


1. MAKABULUHANG PAKSA-
ANG PAKSA AY MAAARING PANLIPUNAN, PANG KABUHAYAN, PANGKAUGALIAN,PANGEDUKASYON,PANRELIHIYON AT IBA PA.
MALAWAK ANG SANAYSAY SAPAKAT TUMATALAKAY ITO SA LAHAT NG URI NG PAKSA O TEMA.


2. MAY KAISAHAN-
ITO AY NANGNGAHULUGAN NG PAGKAKASUNOD-SUNOD AT UGANAY-UGNAY NA KAISIPAN NA TUMATALAKAY SA PAKSA.


3.ANGKOP NA PANANALITA-
ANG MGA SALITA AY AKAMA AT PAMPANITIKAN AYON SA DIWA AT PARAAN NG PAGPAPAHAYAG.


4.PAMAMARAAN MAKATAWAG-PANSIN-
ANG SIMULA, GITNA AT WAKAS AY INILAHAD SA PARAANG MASINING AT KAAKIT-AKIT.

3RD GRADING LECTURES

                                         'ANG TALAMBUHAY'


-ITO AY ISANG ANYO NG PANITIKANG PAGSASALAYSAY O NAGLALAHAD NG BUHAY NG ISANG TAO. TINATAWAG NA TALAMBUHAY NA PANG-IBA KUNG MAY AKDA ANG NAGLALAHAD NG MGA GINAWA AT MGA PANGYAYARI SA BUHAY NG IBA NG TAO. KUNG ISINULAT NAMAN NG MAY AKDA TUNGKOL SA KANYANG BUHAY. ITO AY SINASABING TALAMBUHAY NA PANSARILI.


MAY DALAWANG PARAAN NG PAGSUSULAT NG TALAMBUHAY. UNA, ANG KARANIWANG PARAAN NA PUMAPAKSA SA MGA PANGYAYARI SA BUHAY NG TAON SINULAT. DITO'Y MAAARING BANGGITIN ANG KANYANG PAGSILANG, MGA MAGULANG, PAG-AARAL AT MGA TINAMONG KARANGALAN O TAMPOK NA NAGAWA.


ANG IKALAWANG PARAAN AY PALAHAD. ANG POKUS NITO AY ANG  KANYANG MGA LAYUNIN, SIMULAIN AT MGA KAISIPAN NA MAY KAUGNAYAN SA KANYANG PAGTATAGUMPAY O PAGKABIGO.








                                     

3RD GRADING LECTURES

                                          'SANHI AT BUNGA'


GINAGAMIT SA PAKIKIPAGTALASTASAN ANG PAGBIBIGAY NG SANHI AT BUNGA NG MGA PANGYAYARI. ANG SANHI AY ISANG IDEYA O PANGYAYARING MAAARINNG HUMANTONG SA ISANG BUNGA.

SA PAGBIBIGAY NG SANHI AT BUNGA, GINAGAMIT ANG MGA PANANDANG (DAHIL SA, DAHIL KAY,AT SANHI) UPANG MAILAHAD NG MALINAW AT MAAYOS ANG DAHILAN NG PANGYAYARI.

HALIMBAWA:
Dahil sa lubhang pagpapahalaga sa makinis na kutis bumibili siya ng mga produktong mangangalaga sa kutis niya.






ALAMAT NG TIGYAWAT NI MARICEL DAYAG


Noong unang panahon, lahat ng tao na nilikha ng Diyos ay biniyayaan ng makinis na mukha. Dahil ang tao ang pinaka-minamahal na nilikha ng Diyos, ang tao ay nilikha kawangis Niya, kaya naman lahat sila ay nilikha na may angking ganda. Walang tao na makikitaan ng kahit isang dumi sa mukha.
Dati, mapag-kumbaba ang lahat ng mga tao, kahit ilang beses pa silang puriin ng ibang mga nilalang. Ang mga hayop, mga puna at mga halaman, kahit ang langit at ang dagat, pinup Uri ang kagandahan ng mga tao.
Subalit, sa paglipas ng panahon, ang tao ay naging masama bunga ng kagandahan.
Naging mapang-mataas ang mga tao, dahil alam nila na nilikha sila ng Diyos na natatangi sa lahat. Sila ay naging mapag-malaki, at hinamak ang ibang mga nilalang---ang mga hayop, ang mga puno at halaman, maging ang langit at dagat.
"Kami ay nilikha kawangis Niya," wika nila. "Ang aming mukha ay makinis, at aming kutis ay sadyang napaka-ganda."
Isang baboy ang umapela, si Tigaw-at.
"Ang kagandahan niyo ay hanggang sa panlabas lamang." Aniya Tigaw-at.
"Aanhin ang napakakinis na balat---kung ang inyong mga ugali ay ubod ng gaspang?"
Ngunit pinag-tawanan lamang siya ng mga tao.
"Naiingit ka lamang, Tigaw-at." ang sabi nila.
"Ang iyong mukha ay laging sumusubsob sa dumi at putik, pero kami, ni walang bahid ang aming mga mukha."
"Anong uri ba kayong mga nilalang, at napaka lakas ng mga loob ninyo upang hamakin ang ibang mga nilikha!" galit na sumigaw si Tigaw-at.
"Nawa'y ang inyong kasamaan ay Makita sa inyong mga mukha!"Ang pag-aaway ng mga tao at ni Tigaw-at ay nakita ng Panginoon na lumikha sa lahat. Nakita niya ang kayabangan at panhahamak ng mga tao.
"Kailangan na nilang maturuan ng leksyon." wika ng Lumikha.Lumipas ang mga araw, nagkaroon ng malawakang pagkalat ng sakit sa balat sa mga tao. May mga tumubo na mga mapupulang butlig sa kanilang mga balat, lalo na sa kanilang mga mukha.
"Ang ating mga mukha!" sigaw nila. "Hindi na makinis!"
"Ito ay sumpa ng Diyos!"
"Ito ay sumpa ni Tigaw-at!"Ang mga butlig sa kanilang mga mukha ay sinasabing sumpa ni Tigaw-at. Lumipas ang panahon at tinawag itong Tigyawat.

TALAMBUHAY NI MARICEL DAYAG

                                                                  'MUSIKA'


            Siya si Maricel Dayag. Labing tatlong taong gulang. Siya ay nakatira sa 306 Nadura St. 3rd Avenue Caloocan City.Ang kanyang mga magulang ay sina Benjamin Dayag at Flordalie Dayag. Fruit Vendor ang trabaho ng kanya ama, samantalang ang kanyang ina ay simpleng maybahay lamang. Si Maricel ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Benjie,Floriebeth, at Analyn.


           Noong si Maricel ay bata pa lamang, nakitaan na siya ng kanyang mga magulang ng pagkahilig sa musika. Masyadong mahiyain si Maricel para ipakita ang kanyang talento sa kanyang mga kaklase. Pero sa bahay nila ay sobra ang pagkalakas-lakas ng boses dahil siya ay umaawit. Minsan pagka may mga selebrasyon sa kanila, tulad na lamang ng Kaarawan, reunion at iba pa. Si Maricel lagi ang inaatubli ng kanyang mga magulang na umawit. Nakakatuwaan na ni Maricel ang musika. Kaya maraming tao ang natutuwa sa kanya dahil sa ganda ng kanyang boses. Hindi lamang sa pagkanta ang kanyang talento kundi sa pagsasayaw kasabay ang pag-awit. Minsan na siyang naging tutor sa pagsasayaw sa kanyang ate. siya ang nagtuturo na sumayaw sa kanyang mga kapatid at maging sa mga kaklase nito.


           Maraming taong natutuwa kay Maricel sa ipinapakita niyang talento. Kahit alam ni Maricel na medyo may pagkahiya siya, gusto niya pa ring ipakita kung anong talento meron siya, at ngayong siya ay tumungtong na sa sekondarya, mas patuloy niyang gagamitin ang kanyang talento at pagkahilig sa musika. Si Maricel ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa F.G Calderon Integrated High School. Na nasa ikapitong baitang.

Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

ALAMAT NG PAKWAN NI FIONA MOJICA

Isang araw sa isang baryo ay mayroong isang taong nangangalang Saul. Pinapatay niya ang lahat ng taong naniniwala sa Diyos. Kahit mga kamag-anak niya na naniniwala sa Diyos ay pinapatay niya, Malaki ang galit ni Saul sa Diyos at hindi siya naniniwala dito. Isang malamig na gabi, habang natutulog si Saul ay may nagpakita sa kanya sa panaginip. Hindi niya maintindihan ito kaya hindi niya na lang pinansin pagkagising niya kahit naaalala niya ito. Habang si Saul ay naglalakbay, may humarang sa kanyang isang malaking taong nakasakay sa kabayo at halos di na niya ito makita dahil sa sobrang liwanag nito. 'Saul, Saul bakit mo ako inuusig?' tanong nito. Sobrang natakot si Saul kaya't siya'y sumagot. 'Sino po kayo Panginoon?' tugon ni Saul. 'Ako si Hesus, ang iyong inuusig.' Pagkatapos niyang makipagusap sa diyos ay nabulag siya. Isang araw ay may nagpunta sa kanya. Isang babaeng nangangalang Neftali. "Saul ako si Neftali, isinugo ako ng Diyos para ika'y pagalingin.' hinawakan ni Neftali ang mata ni Saul at siya ay nakakakita.'Ipahayag mo ang salita ng Diyos sa sanlibutan.' At pagkalipas ng araw, Si Saul ay naghayag ng salita ng Diyos. Laking pagtataka ng mga tao kay Saul sapagkat dati pinapatay niya ang lahat ng kumikilala sa diyos, at ngayon siya naman ay naghahayag ng salita ng diyos.Isang araw, habang natutulog si Saul ay ipinadukot siya ng mga tao upang siya'y patayin.'Bilang ganti sa mga pinatay mong kristiyano, ito ang dadanasin mo!' sabi ng isa sa mga tao. Kasabay noon ang pagpugot sa ulo ni Saul at talsikan ng mga dugo. Inilagay ang ulo ni Saul sa damuhan. At pagkalipas ng mga panahon, may nakita ang mga tao na tumutubong halaman na di alam kung ano iyon. hiniwa ng mga tao ang bungang iyon na bilog at pagkakita nila ay kulay pula ang loob nito. Naalala nila si Saul ang kristiyanong umuusig ng tao na naghayag ng salita ng Diyos na pinugutan ng ulo.

TALAMBUHAY NI FIONA MOJICA

                                                          'MIKROPONO'

                         

               Siya si Fiona Mojica. Labing tatlong taong gulang. Siya ay nakatira sa 156 D. Aquino st. 2nd Avenue Caloocan City.Si  Ang kanyang mga magulang ay sina Alvin R. Mojica at Ellaine C. Mojica. Call Center Agent ang trabaho ng kanyang ama, at OFW naman ang kanyang ina. Si Fiona ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Quincy, Kyle, at Julian.


               Noong si Fiona ay bata pa lamang, nakitaan na siya ng kanyang mga magulang ng kahusayan sa pag-awit. Mas nagpatuloy pa ito nang siya ay tumungtong sa elementarya. Siya ang pinipili ng kanyang mga guro na umawit tuwing may mga programa sa kanilang paaralan. Tulad na lamang ng Teacher's Day, Buwan ng Wika at iba pa. Siya rin ang ipinanlalaban ng kanilang paaralan sa larangan ng pag-awit, pagtula, pagbabalagtas,at pagke-kwento. Marami na rin paligsahang sinalihan si Fiona. Ngunit hindi naman siya nabibigo dahil siya ay madalas na nananalo. Nang si Fiona ay tumungtong sa ikaanim na baitang, siya ang pinili ng mga guro na maging isang 'emcee' sa isang mahalang programa. Labis na natutuwa ang kanyang mga magulang pati na rin ang kanyang mga guro sa ipinapakita niyang talento sa mga ganoong bagay.


               Maraming magagandang karanasan si Fiona noong siya ay nasa elementarya. at ngayong siya ay tumungtong na sa sekondarya, mas patuloy na ginagaamit niya ang kanyang talento.Si Fiona ngayon ay kasalukuyang nag-aaral sa F.G Calderon Integrated High School. Na nasa ikapitong baitang.